Filipino Jesuits Literary Blog

Monday, September 19, 2005

Simulain

Paano ba magsulat?
Nagsisimula ba sa isang kaisipan?
O baka naman mula sa panaginip na hindi malimutan?
Baka kaya sa mga damdaming nangangating magparinig
unti-unting ipinalalantad ng lapis kong Mongol?
O kaya hinuhugot mula sa kailaliman ng puso, mga pagkalugmok, pagkamuhi,
kaaliwan, galak ng buhay, na sabay-sabay na sumisigaw, "Isulat mo ako!"
Baka sa mga ganito. Baka sa mga ganyan.
Magugulat ka na lamang. nakapagsulat ka na.


ni Sch. Edward Joseph Magtoto, Philo 2


0 Comments:

Post a Comment

<< Home