Filipino Jesuits Literary Blog

Thursday, September 22, 2005

Isang Hibla

Makita ko lamang ang kapirasong
        tinapay
        na sadyang hindi kinain, tiyak akong
inipit
        mo na ang sinulid sa iyong pintuan.

Saan ka ba tutungo, padre?

Marahil kasalukuyan kang naglalakbay sa mga
    kaharian ng limampung prinsesa, o kaya naman
    sa isang luntiang kagubatan ng mga engkato.
May nakapagkwento na kasama mo daw si Elvis
    na nagkakaraoke sa isang townhouse sa probinsya,
    at minsang daw nakasayaw mo si Maria Makiling sa cha-cha.

Ang alam ko lang, pagsapit ng alas-otso
yumayao ka at nawawala.
At kung narooon muli
      ang kapirasong tinapay
at nakaipit muli
      ang hibla sa iyong pintuan
batid kong babalik ka
at maglalakbay sa isang panibagong umaga.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home