Filipino Jesuits Literary Blog

Sunday, November 06, 2005

Pagbabalik-Loob

ni Sch. Jordan J. Orbe, SJ

Hindi ito ang una.
Ang totoo nga
Hindi ko na mabilang
Kung ilang beses na tayong nag-usap
Na nakaupo
Sa bangkong dahan-dahang inuubos ng anay
Habang patuloy na tumutubo ang damo.
Tanong ko lang,
Mauubos kaya ng anay ang bangko
Bago ka pa tuluyang magsawa
Sa kasisinghot
Ng usok mula sa Winstong inutang ko pa sa tindahan
O sa pakikinig
Sa mali-mali't baluktot kong pangangatwiran?
Patawad, 'ka ko, sabay buga.

Ang tanging tugon ay ang 'di mo paglisan.

Jordan or "Jordy" is on his second year of Regency. He is currently finishing his MA in Psychology at the Ateneo de Manila University. Jordan is also vice-director of the San Jose College Seminary. For a long time, Jordan has been with the Center for Ignatian Spirituality, coordinating and helping out with the programs of the Center to bring people closer to God through the Spiritual Exercises. This poem was from an anthology of works called Epilogue, a literary folio of Jesuit Juniors of 2001-2002.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home