Patungo Sa Abot-Tanaw
ni Katimugambalon
Unang Kabanata
Naglalakad kami ni Kara mag-aalas otso ng umaga ng isang makulimlim na Lunes. May dala-dala siyang isang supot ng butong pakwan na kanyang pinapapak samantalang ikinakaladkad ang kanyang mga paang ginagalis.
Tumingin siya sa akin at nagtanong, "Ano kaya ang gagawin natin ngayon, kuya?"
"Pupunta tayo sa Abot-Tanaw."
"Paano naman tayo pupunta doon?"
"Hindi ko alam. Pero nakikita naman natin, di ba? Basta maglakad lang tayo nang maglakad, tiyak na makararating din tayo doon."
Sinubukan namin ni Kara na maaninaw ang Abot-Tanaw. Tinanaw namin ang daan patungo doon: nang sa gayon, matantiya namin ang haba ng aming paglalakbay.
"Mga limang oras kaya."
"Siguro mga walo"
"Parang napakatagal naman iyon, kuya."
"Basta tiyak na makararating tayo."
Nagtinginan kami ni Kara. At kahit hindi namin tahas na binigkas, batid kong nagkaron kami ng kasunduang gagawin namin ang abot ng aming makakaya upang makarating sa Abot-tanaw.
(itutuloy)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home