Filipino Jesuits Literary Blog

Monday, September 26, 2005

Hindi Tayo Bagay, Leslie

ni Sch. Weng Bava, SJ

Hindi tayo bagay, Leslie
Maganda ka, maputi, balingkinitan
‘Di magkamayaw ang mga
Nahuhumaling sa ‘yo
Sa kanila mo na lang ibaling
Ang pinipintuho mo para sa akin

Kung noong una sana
Nung bata pa ko’t libre
Baka maaari...
Baka ako pa ang naunang
Pumanhik ng ligaw sa inyo
At ‘di ka na mananabik

Sa lalakeng tulad ko
Na hindi naman bawal ang umibig
Pero depende sa iibigin at sa tindi
Hindi ka nababagay
Tatanda ka lamang ng kahihintay
Gaya ni Aling Lupe, kay Mang Use

Mabuti ngang habang maaga
Ang malaman mo na, na anumang
Dalisay ng iniluluhog mo ay
‘Di pupuwede, hindi pupuwede
‘Di ngayon, ‘di bukas, ‘di sa makalawa
Dahil sa inyong dalawa, mas nauna Siya.

Weng is on his second year of Philosophy. He is finishing an MA in Comparative Literature at the University of the Philippines, Diliman. He is a frustrated movie actor. He loves reading books and watching movies. He maintains blogs too.

1 Comments:

  • Ito siguro ang anti-thesis ng "Bakit Ngayon Ka Lang" ni Ogie Alcasid. hehehe

    Ang galing mo, Bro Weng! Idol!Ü

    By Blogger Chinky Ü, at 9:31 PM  

Post a Comment

<< Home