Habagat
ni Sch. Ogie S. Cabayao, SJ
isang hipo mo lang
tumatayo na
ang mga balahibo ko
paano na kaya kung
hawakan mo na ako
sa mga parteng
madaling manginig,
at yapusin
ng iyong mga brasong
kay hirap kalasin
kahit magwala pa ako ,
o pupugin
ng mga halik mong
padampi-dampi
sa mga lugar na nakakikiliti?
tigilan mo na muna;
hayaan mo muna
akong makapagbihis,
hindi ko kaya
ang init ng iyong lamig.
isang hipo mo lang
tumatayo na
ang mga balahibo ko
paano na kaya kung
hawakan mo na ako
sa mga parteng
madaling manginig,
at yapusin
ng iyong mga brasong
kay hirap kalasin
kahit magwala pa ako ,
o pupugin
ng mga halik mong
padampi-dampi
sa mga lugar na nakakikiliti?
tigilan mo na muna;
hayaan mo muna
akong makapagbihis,
hindi ko kaya
ang init ng iyong lamig.
Ogie is now a Regent at Ateneo de Zamboanga University where he teaches Philosophy. He is an avid mountain climber and nature lover. He regularly plays badminton with mission partner Sch. Richard Ella, SJ. This poem was written four years ago when Ogie was still a Junior.
1 Comments:
ogoy!
wla ka na naman yatang magawang matino at naglilikot na naman yang utak mo sa pagsulat ng tula...
hehe. ilang minuto lng yan?
nice one, bro!
By Anonymous, at 12:31 AM
Post a Comment
<< Home