Napag-uusapan na Rin Lang Naman ang Pagpatay
ni Sch. Weng Bava, SJ
Napag-uusapan na rin lang naman
ang pagpatay, eh bakit titigil tayo sa mga butiki?
At bakit di natin idawit ang sistematikong
pamumuksa ng iba pang may buhay?
Nariyan ang mga askal
na sinisilo ng mga sunog-baga
tuwing manunuyo ang kanilang lalamunan
sa kwatro-kantos o bilog
O ang mga pusa kayang naghahalinhingan
sa gabi at katanghalian?
na pinagdedeskitahan kung naiiri na
ang lahat ng kaanak ni Bantay at walang
natitira kahit manok na bisaya sa koral
Pati ang mga bayawak at daga
ang umang at ulang
'wag nating tigilan kung nakakaumay
na ang mga palaka
At kung hindi pa makuntento
isunod ang mga paslit,
mga pesteng batang kinukumutan
ng galis at uhugin
Makakabawas 'to sa pang araw-araw gastos
At kung hindi pa rin, isalang naman
ang mga kabataang walang pag-asang
makapag-abroad o di kaya'y makapasok
sa pabrika, pasasaan ba't daramputin
lang naman ang mga iyan
sa kung saang kangkungan
Bitin pa ba?
Ba't di kaya ihanay isa-isa ang mga
matatandang namumulag sa katandaan,
ang mga ulyanin din
mga lumpopingkawbingiatpipi
at may rayuma
Ang mga walang pakinabang at sa halip
ay pabigat sa mga nagbabanat ng buto
at naglalako ng laman at nagsisikap
Kahimanawari'y mabuhay ng marangal
At kung talagang
hayok na hayok ka na
Kung nanginginig na ang iyong kalamnan
at bihasa na ang iyong mga daliri sa
pagpitas ng kaluluwa sa simpleng
pagkanti ng iyong daliri sa gatilyo,
ng iyong palad sa pagbayubay ng palakol
at ng kamaong kinakalyo
sa pagbasag ng bungo at pangarap
at naglalaway ka sa sangsang ng dugo--
Kamuka't-mukat niyan
baka bukas makalawa
Kaya mo nang katayin
pati ang
Diyos.
Napag-uusapan na rin lang naman
ang pagpatay, eh bakit titigil tayo sa mga butiki?
At bakit di natin idawit ang sistematikong
pamumuksa ng iba pang may buhay?
Nariyan ang mga askal
na sinisilo ng mga sunog-baga
tuwing manunuyo ang kanilang lalamunan
sa kwatro-kantos o bilog
O ang mga pusa kayang naghahalinhingan
sa gabi at katanghalian?
na pinagdedeskitahan kung naiiri na
ang lahat ng kaanak ni Bantay at walang
natitira kahit manok na bisaya sa koral
Pati ang mga bayawak at daga
ang umang at ulang
'wag nating tigilan kung nakakaumay
na ang mga palaka
At kung hindi pa makuntento
isunod ang mga paslit,
mga pesteng batang kinukumutan
ng galis at uhugin
Makakabawas 'to sa pang araw-araw gastos
At kung hindi pa rin, isalang naman
ang mga kabataang walang pag-asang
makapag-abroad o di kaya'y makapasok
sa pabrika, pasasaan ba't daramputin
lang naman ang mga iyan
sa kung saang kangkungan
Bitin pa ba?
Ba't di kaya ihanay isa-isa ang mga
matatandang namumulag sa katandaan,
ang mga ulyanin din
mga lumpopingkawbingiatpipi
at may rayuma
Ang mga walang pakinabang at sa halip
ay pabigat sa mga nagbabanat ng buto
at naglalako ng laman at nagsisikap
Kahimanawari'y mabuhay ng marangal
At kung talagang
hayok na hayok ka na
Kung nanginginig na ang iyong kalamnan
at bihasa na ang iyong mga daliri sa
pagpitas ng kaluluwa sa simpleng
pagkanti ng iyong daliri sa gatilyo,
ng iyong palad sa pagbayubay ng palakol
at ng kamaong kinakalyo
sa pagbasag ng bungo at pangarap
at naglalaway ka sa sangsang ng dugo--
Kamuka't-mukat niyan
baka bukas makalawa
Kaya mo nang katayin
pati ang
Diyos.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home