una
naaalala mo ba
ang nangyari noong una?
sabay sa daloy
ng mga taong paroo't parito,
may kani-kaniyang pakay,
sa gitna (o tabi ba?)
ng mga nagmamadali
at nag-uunahan...
nakatayo tayo
magkatabi sa mga
pinakipot na pasilyo
na tila tayo lamang ang laman,
tayo lamang ang nag-uusap
at nagkakarinigan,
naroroon tayo pero
ang roon ay tila hindi
roon, nakatapak ang paa
sa naiiba ngunit
iyong iyon din.
at kahit bago pa man
parang kay tagal na,
hindi miminsan ang
mga ngiti at sulyap
na hindi para sa atin,
subalit sa mga tunay
na magkakilala.
ang nangyari noong una?
sabay sa daloy
ng mga taong paroo't parito,
may kani-kaniyang pakay,
sa gitna (o tabi ba?)
ng mga nagmamadali
at nag-uunahan...
nakatayo tayo
magkatabi sa mga
pinakipot na pasilyo
na tila tayo lamang ang laman,
tayo lamang ang nag-uusap
at nagkakarinigan,
naroroon tayo pero
ang roon ay tila hindi
roon, nakatapak ang paa
sa naiiba ngunit
iyong iyon din.
at kahit bago pa man
parang kay tagal na,
hindi miminsan ang
mga ngiti at sulyap
na hindi para sa atin,
subalit sa mga tunay
na magkakilala.
3 Comments:
nakakatuwa yung naisip ko na setting ng tula -- tiangge sa Divisoria. hehe Ü
By Chinky Ü, at 9:23 PM
pwede rin chinks!
By three stars and a sun, at 8:54 AM
Hi thanks for postiing this
By Sunrise Land Surveyors, at 12:43 PM
Post a Comment
<< Home