Isang Paalala
ni Doc Atoy Salazar, SJ
Katawan ko ay patpat
Palarang damit makintab
Inilawang makislap
Nang matanaw ng lahat
Tala akong kasama
Nagbigay liwanag sa
Tatlong magong banyaga
Hanggang sabsabang aba
‘sang kuwebang ubod dilim
‘sang amang walang kimkim
‘sang Inang Birhen mandin
‘sang sanggol, Diyos natin
S’yang musmos na Dakila
Anak ng Mahiwaga
Niñong tanglaw sa dilim
S’yang kaligtasan natin
Mula sa araw na ‘yon
Magpasahanggang ngayon
Ako’y nagpapaalala
Sa araw na sinilang Siya.
Katawan ko ay patpat
Palarang damit makintab
Inilawang makislap
Nang matanaw ng lahat
Tala akong kasama
Nagbigay liwanag sa
Tatlong magong banyaga
Hanggang sabsabang aba
‘sang kuwebang ubod dilim
‘sang amang walang kimkim
‘sang Inang Birhen mandin
‘sang sanggol, Diyos natin
S’yang musmos na Dakila
Anak ng Mahiwaga
Niñong tanglaw sa dilim
S’yang kaligtasan natin
Mula sa araw na ‘yon
Magpasahanggang ngayon
Ako’y nagpapaalala
Sa araw na sinilang Siya.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home