Simbang Gabi ni Mang Tinong Sintu-sinto
ni Weng Bava, SJ
Alas tres treinta ng umaga
Nagsisimulang gumising
Ang mga kaluluwang pagal
Sa maghapong paggawa
At pagbubungkal
Na kung anu-anong maaaring
Ipantawid gutom
O ibalabal man lang
Sa katawang nanginginig
Sa ginaw at nanlilimahid sa
Hilahil
Sa sulok niyang angkin
Matatanaw ang yayat niyang
Katawang hinahagupit ng sasal
Ng ubo ng tuberculosis
Subalit matamang nakamasid
Sa patay-sinding liyab ng
Isang libo’t isang bumbilyang
Pula
Berde
Asuldilawputi
Kumikislap ang mga matang
Wala ni isang pikit
Manghang-mangha sa grupong
Nakapalibot sa sanggol na hubad
Ito ang hari, ito naman ang prinsipe
Narito ang duke, ang pastol at ang mga ale
Sa banda roon may kabayong ngumunguya
Sa kanan ay tupa o kambing yata
Ang mag-asawa, nahihiya sa mga bisita
Sa bubong naman ay may anghel
Kumpleto na, kumpleto na!
At ako, ako ang tagapalis ng langaw
Tagabugaw ng lamok na magtatangkang
Lumapit sa Niñong Bathala
Titilaok ang manok, babalik sa kama
Ang mga nagsipamili ng puto bungbong
At siya, magbabantay, maghihintay
Hanggang magsimbang gabi muli
Mamaya, mamaya
Alas tres treinta ng umaga
Nagsisimulang gumising
Ang mga kaluluwang pagal
Sa maghapong paggawa
At pagbubungkal
Na kung anu-anong maaaring
Ipantawid gutom
O ibalabal man lang
Sa katawang nanginginig
Sa ginaw at nanlilimahid sa
Hilahil
Sa sulok niyang angkin
Matatanaw ang yayat niyang
Katawang hinahagupit ng sasal
Ng ubo ng tuberculosis
Subalit matamang nakamasid
Sa patay-sinding liyab ng
Isang libo’t isang bumbilyang
Pula
Berde
Asuldilawputi
Kumikislap ang mga matang
Wala ni isang pikit
Manghang-mangha sa grupong
Nakapalibot sa sanggol na hubad
Ito ang hari, ito naman ang prinsipe
Narito ang duke, ang pastol at ang mga ale
Sa banda roon may kabayong ngumunguya
Sa kanan ay tupa o kambing yata
Ang mag-asawa, nahihiya sa mga bisita
Sa bubong naman ay may anghel
Kumpleto na, kumpleto na!
At ako, ako ang tagapalis ng langaw
Tagabugaw ng lamok na magtatangkang
Lumapit sa Niñong Bathala
Titilaok ang manok, babalik sa kama
Ang mga nagsipamili ng puto bungbong
At siya, magbabantay, maghihintay
Hanggang magsimbang gabi muli
Mamaya, mamaya
3 Comments:
As usual, the power of your descriptive words to display the vividness of the imagery you wish to project paints a moving (double meaning!) picture of a long-time Filipino Christmas tradition.
On a lighter note, I liked the Xmas lights part. Nakakatuwa lang i-imagine.Ü
By Chinky Ü, at 12:58 PM
thank you again! and God bless you.
you may want to visit our other site.
http://contemplatioadamorem.blogspot.com
this one contains art works (charcoal, pen, watercolor, acrylic, pastel) by our scholastics.
we are planning to exhibit them sometime next month.
By sonoftheprodigal, at 5:42 PM
I've actually linked it up in my blog some weeks ago already. Thanks for telling me about the exhibit. I do hope it pushes through.
By Chinky Ü, at 2:02 PM
Post a Comment
<< Home