paglisan
jason k. dy, sj
kay rosing, jvp--
nag-alay't
naglingkod
ng lubos,
buhos, at
ubos.
'Nay, 'di ba
maaaring
pigilan ang
pagpigtas
ng bugso
ng hangin
sa 'sang dahon
na nakalambitin
sa sanga
o pigilan man
ang usok
at upos
ng sigarilyo
sa pag-agaw
ng buntong-hininga?
pakli mo'y
hindi.
kagaya ng
kay raming
bagay:
paghabi
ng dagat na bughaw
na pinagsasalitan ng
ginintuang araw,
luntiang kapatagan,
at namumulang rosas
sa hugis-kuwadradong
tubaw;
pagkaipit
ng mahigpit
ng mapagbigay-siglang
book mark
sa 'di maalaalang
pahinang
pinagwakasan;
paghalik
sa labi ng puting sobre
para pamaskong
pagbati sa
mga kaibigan,
mga anak
ay maihatid
kalakip
ang walang
maliw na init;
at pag-order ng
pork chop na malutong,
mainit na hugis-tasang kanin,
maanghang na laing,
at siyempre
coke na malamig,
(na may yelo),
sa clubhouse ng Ateneo
(na minsa'y walang bayad),
pasalamat daw
ni Manang
sa regalong mong
leche flan.
oo, nga
'di nga
pupuwedeng
pigilan.
mapalad ka, 'Nay,
'di ka pa mapigilan,
habilin mo pa'y
nakaukit
sa mga noo't puso
magpakailanman—
“sa abo galing,
sa abo din babalik...”
at halimbawa mo'y
kay hirap tularan:
kusang paglilingkod
habambuhay—
maghain,
magsubo
kasabay
ng tinapay
at alak na inialay
sa kaluluwang
gutom, uhaw.
kaya,
sige lang
(kahit gusto
kitang pigilan)
patuloy sa
paglakbay,
sabayan mo
ang nahuhulog
na dahon,
sumakay ka
sa pakpak
ng hangin
habang
sumasayaw,
ngumingiti,
nahuhulog
sa bisig
na umaakay
at lumikha
ng lahat
ng nilikha.
Si Nanay Rosing ay isang mabuting kaibigan.
Naglingkod sa Jesuit Volunteer Philippines (JVP).
Namatay noong Mierkules ng Abo pagkatapos maglingkod bilang Lay Minister
sa misa ng Pamantasan ng Ateneo de Manila.
2-28-2001
kay rosing, jvp--
nag-alay't
naglingkod
ng lubos,
buhos, at
ubos.
'Nay, 'di ba
maaaring
pigilan ang
pagpigtas
ng bugso
ng hangin
sa 'sang dahon
na nakalambitin
sa sanga
o pigilan man
ang usok
at upos
ng sigarilyo
sa pag-agaw
ng buntong-hininga?
pakli mo'y
hindi.
kagaya ng
kay raming
bagay:
paghabi
ng dagat na bughaw
na pinagsasalitan ng
ginintuang araw,
luntiang kapatagan,
at namumulang rosas
sa hugis-kuwadradong
tubaw;
pagkaipit
ng mahigpit
ng mapagbigay-siglang
book mark
sa 'di maalaalang
pahinang
pinagwakasan;
paghalik
sa labi ng puting sobre
para pamaskong
pagbati sa
mga kaibigan,
mga anak
ay maihatid
kalakip
ang walang
maliw na init;
at pag-order ng
pork chop na malutong,
mainit na hugis-tasang kanin,
maanghang na laing,
at siyempre
coke na malamig,
(na may yelo),
sa clubhouse ng Ateneo
(na minsa'y walang bayad),
pasalamat daw
ni Manang
sa regalong mong
leche flan.
oo, nga
'di nga
pupuwedeng
pigilan.
mapalad ka, 'Nay,
'di ka pa mapigilan,
habilin mo pa'y
nakaukit
sa mga noo't puso
magpakailanman—
“sa abo galing,
sa abo din babalik...”
at halimbawa mo'y
kay hirap tularan:
kusang paglilingkod
habambuhay—
maghain,
magsubo
kasabay
ng tinapay
at alak na inialay
sa kaluluwang
gutom, uhaw.
kaya,
sige lang
(kahit gusto
kitang pigilan)
patuloy sa
paglakbay,
sabayan mo
ang nahuhulog
na dahon,
sumakay ka
sa pakpak
ng hangin
habang
sumasayaw,
ngumingiti,
nahuhulog
sa bisig
na umaakay
at lumikha
ng lahat
ng nilikha.
Si Nanay Rosing ay isang mabuting kaibigan.
Naglingkod sa Jesuit Volunteer Philippines (JVP).
Namatay noong Mierkules ng Abo pagkatapos maglingkod bilang Lay Minister
sa misa ng Pamantasan ng Ateneo de Manila.
2-28-2001
0 Comments:
Post a Comment
<< Home