Filipino Jesuits Literary Blog

Tuesday, November 15, 2005

Senti

ni Sch. Eric S. Santillan, SJ

ANG SARAP NG
SAN MIG LIGHT
KUNG MALAMIG
ANG GABI
AT MAG-ISA KANG
NAGSESENTI.

SA BAWAT TUNGGA
ALAALA
NG KAHAPONG
MASAYANG MALUNGKOT
AT NG MGA ULILANG
HANGARIN NG BUKAS.
ANG SIPOL NI TATAY.
CHOP SUEY NI INA. THEMESONG
NATING DALAWA. PABORITONG PABANGO.
SARANGGOLANG 'DI NA MAKALIPAD.
MGA SULAT NG KAIBIGANG NAKABAON
SA LUMANG KAHON NG SAPATOS.
MGA NABITIWANG SALITANG 'DI MAIWANAN
MGA MALING NAGAWANG BINABALIK-
BALIKAN. PAULIT-ULIT. PAULIT-ULIT.
MGA ALAALANG PILIT TINUTUNGA.
NILULUNOK.
SINUSUKA.

SA BAWAT PAGTUNGGA
LUMALAPIT
ANG AYAW KONG BAHAGI NG GABING
MALAMIG.
ANG PAGBABA NG BOTE SA SAHIG
AY PAGPASOK NG TIRANG-LASANG
TAMIS-PAIT...

Eric Santillan is currently director of Sedeno Pre-Novitiate House. Eric is the ultimate hip-hop Jesuit. He is on his second year of Regency and will come back next year to Loyola House to pursue his Theological studies.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home