Tanong sa Tahimik na Tatay
(O Kung Magdarasal kay San Jose ang Magpapari)
ni Fr. Victor R. Baltazar, S.J. aka. Papang Payapa
Bakit kay tahimik
mong lalaki at kay maginoong
tinanggap ang gayong
alanganing sitwasyong
nasuungan ng katipan?
Bakit kay tahimik mong
asawa at tiyak maasikasong
umalaga sa buntis mong
kabiyak; buong-sabik sa 'yong
panganay ng kabanalan?
Bakit kay tahimik mong
tatay at pagsaksi mong
pipi at tiyak-tatag ng 'yong
puso ang namana n'yong .
Loob na babata sa kahirapan?
Ginoong kay tahimik
ituro mo sa akin,
lakas ng payapang pananalig
na may katarungang kakabit.
Kabiyak na kay tahimik
ituro mo sa akin,
bisa ng pipi mong pag-ibig
ng 'di masalitang pagmamalasakit.
Tatay na kay tahimik,
ipakita mo sa akin,
loob na nililima't pinakisig
ng Salitang umaakit sa pagpapakasakit
Ako man, Tata Jose,
sa 'ming mundong maingay at mahalay,
gusto ko ring maging tatay
ng mapagpala mong Panganay.
Sacred Heart Novitiate
20 December 1999
ni Fr. Victor R. Baltazar, S.J. aka. Papang Payapa
Bakit kay tahimik
mong lalaki at kay maginoong
tinanggap ang gayong
alanganing sitwasyong
nasuungan ng katipan?
Bakit kay tahimik mong
asawa at tiyak maasikasong
umalaga sa buntis mong
kabiyak; buong-sabik sa 'yong
panganay ng kabanalan?
Bakit kay tahimik mong
tatay at pagsaksi mong
pipi at tiyak-tatag ng 'yong
puso ang namana n'yong .
Loob na babata sa kahirapan?
Ginoong kay tahimik
ituro mo sa akin,
lakas ng payapang pananalig
na may katarungang kakabit.
Kabiyak na kay tahimik
ituro mo sa akin,
bisa ng pipi mong pag-ibig
ng 'di masalitang pagmamalasakit.
Tatay na kay tahimik,
ipakita mo sa akin,
loob na nililima't pinakisig
ng Salitang umaakit sa pagpapakasakit
Ako man, Tata Jose,
sa 'ming mundong maingay at mahalay,
gusto ko ring maging tatay
ng mapagpala mong Panganay.
Sacred Heart Novitiate
20 December 1999
0 Comments:
Post a Comment
<< Home