2nd Prize (Tula)
( 2nd PRIZE )
Ulilang Lata
By Rico Adapon
Sa isang madilim at ulilang bayan,
Doon isinilang latang walang laman
Di kaginsa-ginsa’y pinulot na lamang
Nitong mga batang hari ng tambakan.
Sinikap maging tambol
Nitong mga musikerong pulpol,
Sinabayan ng himig, palakpak at sipol,
Sa tambaka’y muling nagbalik,
Ang ulilang latang wari’y humihibik,
Sa kamay ng pulubing tila nanabik,
Sa kalansing ng baryang hindi umiimik,
Pamatid gutom ngayong paskong sasapit.
Ulilang lata’y ipinukol,
At muling naging tambol,
sinabayan ng matinis na ungol,
at tahol ng mga asong ulol,
at mga kerubing sumisipol
sa pagsilang ng Hari at sanggol.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home