Bagong Bulong
ni Fr. Victor Baltazar, S.J. aka Reggie Adviento
(Inalay sa isang kapatid sa Kapisanan)
tila putikang tubig
ang abong dinilig
ng banal Mong tubig:
butil-butil na kinumpol,
sa noo nami’y kinintal,
paggunita sa nangagkalat na lupa
na tumipon sa ‘Yong Salita.
at sa isang iglap ay nalikha
kaayusang sinisibulan
ng samu’t saring gandang
humihinga’t dumarama,
kumikilos, nagpapagal,
nag-iisip at nagmamahal.
sana’y may bulong Kang bago’t
hingahan ang putikang tubig na loob ko,
pagkumpul-kumpulin rin nawa
na parang abong naging krus,
itong butil-butil kong
pagbangon at pagdapa
sa pananalig at pag-ibig.
panaugin ang krus mula noo
hanggang puso at pag puno na’t hitik
sa kilos ng katawan, masdan ako’t ngitian—
bumulalas rin ng “kayganda!”
sabay ganyakin mo akong muli
sa kapana-panabik
mong inuuwiang
pahinga.
Collegio SR Bellarmino, Roma
06.03.06
(Inalay sa isang kapatid sa Kapisanan)
tila putikang tubig
ang abong dinilig
ng banal Mong tubig:
butil-butil na kinumpol,
sa noo nami’y kinintal,
paggunita sa nangagkalat na lupa
na tumipon sa ‘Yong Salita.
at sa isang iglap ay nalikha
kaayusang sinisibulan
ng samu’t saring gandang
humihinga’t dumarama,
kumikilos, nagpapagal,
nag-iisip at nagmamahal.
sana’y may bulong Kang bago’t
hingahan ang putikang tubig na loob ko,
pagkumpul-kumpulin rin nawa
na parang abong naging krus,
itong butil-butil kong
pagbangon at pagdapa
sa pananalig at pag-ibig.
panaugin ang krus mula noo
hanggang puso at pag puno na’t hitik
sa kilos ng katawan, masdan ako’t ngitian—
bumulalas rin ng “kayganda!”
sabay ganyakin mo akong muli
sa kapana-panabik
mong inuuwiang
pahinga.
Collegio SR Bellarmino, Roma
06.03.06