Filipino Jesuits Literary Blog

Tuesday, January 16, 2007

1st Place (Tula)

Tagpuan

By KAKA

Isang batang isinilang sa sabsaban,

Langit nagbunyi sa nasaksihan.

Maria at Jose tiwala’y walang sawa,

Sa puso ng mag-irog lubos ang tuwa.

Sa kabilang dako tatlong mago,

Naglalakbay galing sa malayo.

Pagod hindi inanda tala’y sundan,

Kapayapaang hangad ay makamtan.

Sa ilang mga pastol nagtatanod,

Kalangita’y napuspos sa liwanag nalugod.

Mga anghel nagalak, pumanaog sa ilang,

Kayong Mapalad Humayo sa Haring isinilang.

Maria at Jose pangamba’y napawi

Sa ngiti ng aba nakitang walang sawi.

Tanong na bumabagabag sa dalawa,

kasaguta’y nakita sa sanggol na tuwa.

Sa sinag ng tala mago’y patuloy sa pagnilay,

Nawa hari’y masilayan ng loob ay palagay.

Nag-aalab sa sabik puso’t damdamin,

Katuparang dulot ay galak sa dilim.

­

Mga pastol natunganga sa nakita,

Halinat magpunta sa Hari’y magpakita.

Walang hinahanap kundi maging saksi

Sa sabi ng angel halina upang ‘di magsisi.

Sa Belen mga gala lahat nagtagpo,

Namangha sa isang hari wari’y nilumpo.

Sulyap sa tala at alaala ng mga kirubin,

Napagtantong toto’t halina at damhin.

Sa paglisan bitbit sa puso isang pabaon,

Mga sinaksi hindi lilipas sa panahon.

Alaala na bumago ng puso at isipan,

Payapang dulot ’di kaylan malilimutan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home