ni Weng Bava, SJMay kakaibang pakiramdam
Ang magsuot ng damit na hinubad ng mga patay
Nakahihindik isipin na ang mga may-ari niyon
Ay di mapakali sa kanilang libingan - Nagmamaktol sa paborito nilang kamiseta o pantalon o sa sapatos na pansimba
Minsan - nakadarama ako ng mga matang
Tumitingi't nanghihinayang sa polong aking suot
O kaya nama'y nakadarama na ayaw pang pawalan ng mga multo ang pantalong gustong-gusto ko
Na naglulupasay sa katanghaliang hangin
Siguro, ulyanin na ang mga matatanda o kaya nama'y ayaw nilang talagang lisanin ang dati nilang gawi
Maligamgam na kamiseta sa maalinsangang gabi’y nakikipagkapwa sa kaluluwang malamig
Pajamang mababakas pa ang marka ng ngalan ng kanilang amo,
O mga kumot na butas-butas dahil sa malaon nang paggamit,
Mga unan na bumubulong ng kanilang natiktikan mula sa ulo ng isang taong banal
O mga panyong pumahid ng isang laksang patak ng luha – Lahat ay saksi sa piping kaugalian
Na ang mga Patay ay nagpapaubaya sa mga Buhay
Subalit ang higit na nakababalisa sa lahat
Ay ang paniwala na ang sutanang walang habas ko kung isuot ay maaaring hinubad ng anim na beato
English versionON CLOTHES WORN BY DEAD JESUITSThere's a creepy feel to it
On wearing clothes that had been
Worn by the dead
A disquieting thought envelops you
That the owners are turning in their graves - Muttering
About their favorite shirts or jeans or the shoes they only wore on Sunday afternoons
Sometimes - I sense a pair of eyes
Looking grudgingly at the shirt I'm wearing
Or have that eerie feel that ghosts still wear
The pants I love as they flap wildly
Drying in the midday wind
Probably, the old are forgetful or they simply never want to leave their old ways
Warm shirts, on warm nights coagulate with cold spirits
Pajamas that still bear the faded initials of their former masters,
Or blankets that years of use have pecked holes on them,
Pillows that whisper what they spied from a pious man's head,
Or handkerchiefs that wiped a thousand drop
Of tears - All bear witness to the silent tradition that the Dead provides for the Living
But the most disturbing of all
Is the belief that the soutane I mindlessly wear was probably worn by at least half a dozen holy men