Filipino Jesuits Literary Blog

Sunday, November 27, 2005

To A Firefly

by Sch. Xavier Olin, SJ

(first sighted in the first month of novitiate)

when all is still
and all earth’s spirits rest
and Night’s curtains fallen, sullen
make no sound
you come calm, no clatter
in soft, dancing shimmer
tiptoeing on air

you come calm, glowing warm
in gracefulfilling
lulling me
in whispered song

Saturday, November 26, 2005

hope

by Rev. Lester Maramara, SJ

If only for that little flash
of the sudden
my heart trembles
my soul is lifted to the depths of laughter;
it dances with the sun
breathing the grassy meadows
of white clouds and rainbows
shoots up into space, into the endless
and then,
the flicker vanishes
the heart stops a while
while the soul continues to soar
for it continues to desire something more,
even for a spark.

This newly-ordained deacon from Cebu really loves God and adores dogs!

Friday, November 25, 2005

Untitled

ni Dougs Joson

ramdam ba ng dagat
ang pagdampi ng ulan
ang pagbalabal ng mga ulap
pansin ba ng kalawakan
ang pagsaliw ng mga ibon
sa awit ng kalikasan
tila yata di puna
tila kapos sa pagsasaalang-alang

ngunit sa katahimikan
nitong aking kalooban
ramdam
pansin at
puna ko
ang ‘Yong wangis
ang Yong pagmamahal
sa banayad na pagpapahayag
ng kinapapalooban kong kadakilaan
Ay!
Kaluwalhatian!

-para kay Ross
arvisu villa 2005
06032995

Dougs is a pre-novice of the Society of Jesus. He lives in Arvisu house with sixteen other soul-searchers like him, discerning if the religious way of life of the Jesuits, is their true vocation. He is a member of Canto 5inco, a youth group dedicated to singing praises for God. Dougs likes to read, cook, paint and most of all compose poetry and songs about love and about God who loves him. He maintains a blog of essays, poems and photography.

Tuesday, November 15, 2005

Senti

ni Sch. Eric S. Santillan, SJ

ANG SARAP NG
SAN MIG LIGHT
KUNG MALAMIG
ANG GABI
AT MAG-ISA KANG
NAGSESENTI.

SA BAWAT TUNGGA
ALAALA
NG KAHAPONG
MASAYANG MALUNGKOT
AT NG MGA ULILANG
HANGARIN NG BUKAS.
ANG SIPOL NI TATAY.
CHOP SUEY NI INA. THEMESONG
NATING DALAWA. PABORITONG PABANGO.
SARANGGOLANG 'DI NA MAKALIPAD.
MGA SULAT NG KAIBIGANG NAKABAON
SA LUMANG KAHON NG SAPATOS.
MGA NABITIWANG SALITANG 'DI MAIWANAN
MGA MALING NAGAWANG BINABALIK-
BALIKAN. PAULIT-ULIT. PAULIT-ULIT.
MGA ALAALANG PILIT TINUTUNGA.
NILULUNOK.
SINUSUKA.

SA BAWAT PAGTUNGGA
LUMALAPIT
ANG AYAW KONG BAHAGI NG GABING
MALAMIG.
ANG PAGBABA NG BOTE SA SAHIG
AY PAGPASOK NG TIRANG-LASANG
TAMIS-PAIT...

Eric Santillan is currently director of Sedeno Pre-Novitiate House. Eric is the ultimate hip-hop Jesuit. He is on his second year of Regency and will come back next year to Loyola House to pursue his Theological studies.


Thursday, November 10, 2005

paglisan

jason k. dy, sj

kay rosing, jvp--
nag-alay't
naglingkod
ng lubos,
buhos, at
ubos.



'Nay, 'di ba
maaaring
pigilan ang
pagpigtas
ng bugso
ng hangin
sa 'sang dahon
na nakalambitin
sa sanga
o pigilan man
ang usok
at upos
ng sigarilyo
sa pag-agaw
ng buntong-hininga?

pakli mo'y
hindi.

kagaya ng
kay raming
bagay:
paghabi
ng dagat na bughaw
na pinagsasalitan ng
ginintuang araw,
luntiang kapatagan,
at namumulang rosas
sa hugis-kuwadradong
tubaw;
pagkaipit
ng mahigpit
ng mapagbigay-siglang
book mark
sa 'di maalaalang
pahinang
pinagwakasan;
paghalik
sa labi ng puting sobre
para pamaskong
pagbati sa
mga kaibigan,
mga anak
ay maihatid
kalakip
ang walang
maliw na init;
at pag-order ng
pork chop na malutong,
mainit na hugis-tasang kanin,
maanghang na laing,
at siyempre
coke na malamig,
(na may yelo),
sa clubhouse ng Ateneo
(na minsa'y walang bayad),
pasalamat daw
ni Manang
sa regalong mong
leche flan.

oo, nga
'di nga
pupuwedeng
pigilan.

mapalad ka, 'Nay,
'di ka pa mapigilan,
habilin mo pa'y
nakaukit
sa mga noo't puso
magpakailanman—
“sa abo galing,
sa abo din babalik...”
at halimbawa mo'y
kay hirap tularan:
kusang paglilingkod
habambuhay—
maghain,
magsubo
kasabay
ng tinapay
at alak na inialay
sa kaluluwang
gutom, uhaw.

kaya,

sige lang
(kahit gusto
kitang pigilan)
patuloy sa
paglakbay,
sabayan mo
ang nahuhulog
na dahon,
sumakay ka
sa pakpak
ng hangin
habang
sumasayaw,
ngumingiti,
nahuhulog
sa bisig
na umaakay
at lumikha
ng lahat
ng nilikha.






Si Nanay Rosing ay isang mabuting kaibigan.

Naglingkod sa Jesuit Volunteer Philippines (JVP).
Namatay noong Mierkules ng Abo pagkatapos maglingkod bilang Lay Minister
sa misa ng Pamantasan ng Ateneo de Manila.
2-28-2001

Tuesday, November 08, 2005

to a chinese nun wearing lavender shoes

Sch. Weng Bava, SJ

Sister, I heard you weeping--
Early one morning
Inside the Della Strada,
And thought you needed the chapel--
All by yourself

So I left you alone
Wondering why and what and for whom
Were you crying your heart out loud
I did not know you nor even saw your face

But saw your lavender shoes
It made me smile

And later in the day
I saw you by the roots
Of the old Banyan tree
You were laughing yourself out
As if no one saw you
As if you didn't care

Your hair beckoned in the wind
As you took two dangling roots
And swung your troubles away

Laughing
Like a mute hyena
Your patent lavender shoes
Kissing
The freshly mowed grass

Monday, November 07, 2005

Patungo sa Abot-Tanaw

Unang Kabanata

Napansin kong may sisinipang tansan si Kara nang kami ay nagpatuloy. Mukha ngang mahaba-haba rin ang paglalakbay. Tiyak na kakalam ang mga sikmura namin at minabuti kong tumungo kami sa tindahan ni Aling Grasya.

"Tao po!"

Banayad at mainit ang simoy ng hangin nang itinaktak ko ang piso sa bintana.

"Pabili po!"

"Aling Grasya!"

Dumungaw ang matanda at sabay ipinusod ang kanyang buhok na inuuban.

"Sandali lang, mga anak."

Dumadahak ang lumpo nang makalapit siya sa amin.

"Ano yon?"

"Pabili po ng limang pan de sal."

Inilagay ni Aling Grasya ang tinapay sa supot na yari sa lumang diyaryo. Ngumiti siya sa amin at muling dumahak.

"Mukhang luluwas kayong, dalawa, a."

"Opo! Pupunta kami doon!"

"Eee... saan ba iyon, iha?"

"Doon po! Sa Abot-Tanaw po!"

"Malayo-layo ngang biyahe. Ba't hindi niyo itong baunin? Sagot ko na."

Binigyan kami ng matanda ng dalawang supot ng palaman. Tuwang-tuwa si Kara.

"Salamat po! Salamat po!"

Nagpaalam kami kay Aling Grasya at nagpasalamat. Bitbit namin ang baon, at sinimulan naming tahakin ang mahaba subalit makulay na daan.

(itutuloy)

Sunday, November 06, 2005

Pagbabalik-Loob

ni Sch. Jordan J. Orbe, SJ

Hindi ito ang una.
Ang totoo nga
Hindi ko na mabilang
Kung ilang beses na tayong nag-usap
Na nakaupo
Sa bangkong dahan-dahang inuubos ng anay
Habang patuloy na tumutubo ang damo.
Tanong ko lang,
Mauubos kaya ng anay ang bangko
Bago ka pa tuluyang magsawa
Sa kasisinghot
Ng usok mula sa Winstong inutang ko pa sa tindahan
O sa pakikinig
Sa mali-mali't baluktot kong pangangatwiran?
Patawad, 'ka ko, sabay buga.

Ang tanging tugon ay ang 'di mo paglisan.

Jordan or "Jordy" is on his second year of Regency. He is currently finishing his MA in Psychology at the Ateneo de Manila University. Jordan is also vice-director of the San Jose College Seminary. For a long time, Jordan has been with the Center for Ignatian Spirituality, coordinating and helping out with the programs of the Center to bring people closer to God through the Spiritual Exercises. This poem was from an anthology of works called Epilogue, a literary folio of Jesuit Juniors of 2001-2002.

Thursday, November 03, 2005

a failed attempt

jason k. dy sj

for m.v.

you invited Death
with a butter knife
sharpened through time
to slice your life
of stale bread and melted butter
into reddened, dried bits and pieces
of breadcrumbs.

and Life responded
with salted tears
to season your life
of dough to be re-kneaded, re-shaped, re-baked
into a tastier
bread.


february 26, 2005
mt. abong-abong,
pasonanca, zamboanga city

Todos Los Santos sa Plaza Lacson

ni Sch. Weng Bava, SJ

Alas nuebe ng gabi nang simulang gumapang
Ang mga kaluluwang pagal sa maghapong
Pagpipigil-patay, sa mga nitsong sako at karton
At sa kung saan-saang sulok na hindi basa
Inilatag ang mga katawang nanlilimahid sa siphayo

Habang ang ila’y kuntentong nakabaluktot sa loob
Ng peryodikong may pabatid ng bagong kabubukas
Na kondominyum, ang mga paslit ay pawang anghel
Sa pagkakahimlay at ‘di pansin ang papatinding lamig
Sa plazang itinayo para kay Meyor Arsenio Lacson

Sa bandang pedestal nang yumaong alkalde ng Maynila
Maaninag ang isang dalagitang durog sa kasisinghot
Sa supot ng rugby, nangungulit ng pera sa isang mamang
Maganda ang bihis at panay ang lamas sa suso ng bangag
‘Di alintana ang mga matang nagmamasid at ‘di nakakakita

Doon sa may malahiganteng paso ikinabit ng aling patpatin
Ang pansamantalang kulambong tumatakip sa kasisilang
Na sanggol samantalang ang asawa’y nakatayong nagpaparaos
Ng tinunggang alak sa kalawanging bakod at saka nagmumura
At nagbabantang papatayin ang kalaguyo ng may TB’ng asawa

Sa ilalim ng nakabubulag na liwanag ng isang lampara
Tahimik na nagbubuklat ng aklat abugasya ang isang mataba
At bata pang estudyante samantalang sa harap niya ay
Masugid na sinusuma ng matandang lalaking abuhin ang ulo
Ang mapapalad (at tatamang tiyak!) na mga numero sa lotto

May mga lalake’t babaeng magkalingkis ang mga paa
Mga magsing-irog na inabutan ng libog at dilim at kapos
Din naman sa salapi at hiya ay doon na magpapalipas ng gabi
Malawak, maluwag ang Plaza Lacson at walang ipinagbabawal
‘Di gaya ng mga sementeryong pang mayaman

Pusong Mapaglaro

ni Sch. Neupito Saicon, SJ

O pusong mapaglaro,
Bakit ka naman ganyan?
Kung kelan ako sigurado,
S’ya mo namang binubulabog.
Kung kelan ako nagdududa,
S’ya mo namang pinapapanatag.

O pusong mapaglaro,
Bakit ka naman ganyan?
Sunod pa naman ako
Sa Iyo nang sunod.
Sa pag-uunawang
Mas alam mo ang lahat.

O pusong mapaglaro,
Bakit ka naman ganyan?
Kung kelan ako nag-iisip,
Sabat ka nang sabat.
Kung tinatanong kita,
‘Di ka naman sumasagot.

O pusong mapaglaro,
Bakit ka naman ganyan?
Kelan mo ba ako titigilan at
Tutulungan?

Subalit,
Ikaw yata’y sadyang ganyan.

Pusong mapaglaro.

Neupito or "Junjun" hails from the beautiful city of Cagayan de Oro, southern part of the Philippines. He is now a Junior in the Society of Jesus. Junjun is the beadle of his batch. This poem was written during his Thirty-Day Retreat where he made an "election" i.e., he chose to follow Christ for the rest of his life. Junjun maintains blogs where he regularly writes reflection and publishes photos.

Tuesday, November 01, 2005

Prayer of St. Francis Xavier

by Rev. Lester Maramara, SJ

I stand in awe
bold and awake
ready to spring like frog
secure that I have nothing
but the will to go on.
I started with a dying
of wanting to fly to the end
but reaching nothing
except confusion.
I reached into the hollow
to fill in the gap;
I ran a good run
amidst the stumbling and the grumbling
to accompany
the Other who beckons me
not with comfort nor promises of heaven
but with an open heart
that wills me to be there beside.
Nothing else desiring
except to be there
beside the One.
Even if I wallow on my own
I walk
following the broken road
stepping upon broken glass
I get comfort in his company.

Nothing changes;
Love remains.

Rev. Lester has just been ordained deacon last September 11, 2005 together with batchmates Jonjee Sumpaico and Buboy Silerio. Rev. Lester has been for a long time, promoter of vocations and director of Arvisu House, a pre-novitiate formation house for those intending to enter the Society of Jesus. Rev. Lester is finishing his M.A. studies in theology as he prepares for his ordination to the presbyterate next year. He loves dogs, fish and anything that moves. He is the "Manong" or Big Brother of younger Jesuit Scholastics.